




| Interactive Webpage for the OFWs |


| Mula sa ABS-CBN Global’s TFC: Ang bagong kakuwentuhan ng mga Pinoy sa Middle East Simula ngayong Hunyo, mababawasan ang pagka-homesick ng mga kababayan natin sa Middle East dahil sa isang bagong magazine show hatid ang serbisyo publiko at mahahalagang impormasyon, ang “Kuwentong Disyerto,” mula sa ABS-CBN Global’s The Filipino Channel (TFC). Hosted by Connie Sison and TJ Manotoc, tatalakayin ng show ang iba’t- iabng isyu na hinaharap ng ating mga kababayan sa ibang bansa. Sa isang segment ay makikita at makakausap ng mga Pinoy sa Middle East ang mga mahal nila sa buhay na narito sa Pilipinas--live! Sa helpdesk Q and A portion naman ay sasagutin ang mga tanong ng overseas Pinoys tungkol sa benefits, welfare, labor at iba pa. Tampok rin sa “Kuwentong Disyerto” ang mga business tips, heroic stories ng mga OFWs, latest trends, events at activities na patok sa Pinoy sa Middle East at dito sa Pilipinas. Mapapanood ang “Kuwentong Disyerto” sa TFC-Middle East, live telecast tuwing 8am sa Gulf States, 9am sa Saudi at 10am sa Dubai. May primetime telecast ito ng 8:45pm (Gulf Time), 9:45pm (Saudi time) at 10:45pm (Dubai Time) tuwing Biyernes. Mayroon din itong local airing sa ABS-CBN News Channel (ANC) tuwing Sabado sa ganap na 11:00 ng gabi. TFC ang kauna-unahang channel nag-produce ng mga shows na sadyang para sa mga overseas Pinoys. 1994 pa lang ay nag-ere na ang TFC ng ganitong uri ng show (“TFC This Week”) at ang latest offering na “Kuwentong Disyerto” ay isa pang patunay ng lalo pa nitong lumalalim at lumalawak na serbisyo sa mga Pinoy, saan man sa mundo. (END) |
| . |
| OFWCONNECT is a KAPAMILYA of “Kuwentong Disyerto” |



| Connie Sison and TJ Manotoc |